Lahat tayo ay may kakilalang nakapagtaas ng proseso ng pagrereklamo bilang isang tinaguriang sining. Minsan nakakatawa, minsan nakakapagod, ang mga taong ito ay may kakayahang makahanap ng problema ukol sa lahat ng bagay kahit saan. Sa maiging uri ng salita, ang pagrereklamo lamang ay ang kakayahanag makakita kung ano ang hindi maayos, sa sariling buhay o sa panlabas na mundo, at ito ay maaaring maging lubos na kapaki-pakinabang kung susundin nito ang kanyang likas na konklusyon — ang paghanap ng solusyon at ilapat ito. Subalit, marami sa atin ang di pa nakakatunton doon, at napapatagtanto na ang pagrereklamo ay syang dulo na mismo nito. Sa mumunting dosis, hindi ito isang malaking problema, ngunit kung ang pagrereklamo ay naging isang malaking bahagi ng ating pagkatao o pagkakakilanlan, ito ay maaaring oras na upang magandang tingnan kung paano natin inilalagak ng maiigi ang ating panahon at enerhiya.Ang pagrereklamo ay isang paraan ng bawat isa na kilalanin na hindi sila masaya sa mga kaganapan ng mga bagay-bagay sa paligid nila o sa buhay nila. Sa isang metaporikong paraan, kapag tayo ay nagreklamo o namumuna, nais nating lansagin ang isang hindi kanais-nais na istraktura upang bigyang daan ang isang bagay na bago. Ngunit kung ang lahat ng ating gagawin ay magpilas lamang o manlasag ng kung ano-ano man, nang hindi man lang alalahaning atasan ang mapanlikhang enerhiya na kinakailangan upang lumikha ng bagong bagay, tayo ay hindi tumutupdan sa proseso ng progreso. Sa katunayan, tayo ay nasa panganib na maging isang hadlang at mapanirang puwersa sa ating sariling buhay at sa buhay ng mga mahal natin. Isa pang talakayin sa pagrereklamo ay tayo minsan ay napagdidiskitahan ang kapwa, na di natin mabago, bilang isang paraan upang lihisin ang pansin mula sa taong maaari nating baguhin—ang ating sarili. Kaya nga sa paraan ng pagbabago ng pagrereklamo upang maging isang bagay na kapaki-pakinabang ay prosesong may dalawang bahagi na nagsisimula sa pagbaliktad ng ating mapagpunang mata sa mga bagay na may maaari tayong gawin , at pagkatapos takdan ng positibong aksyon.
Kapag nakikita nating tayo’y nagrereklamo, ang huling bagay na kailangan nating gawin ay makuhang ibaba ang ating sarili. Sa halip, tayo’y maaaring magsimula sa pamamagitan ng pagpansin na tayo’y nasa paraan ng pagdahop na gumawa ng ilang mga pagbabago. Ngunit sa halip na manghagupit sa isang tao o ng isang organisasyon, maaari tayong humanap ng angkop na lugar upang ibambang itong enerhiya—hindi sa ating mga kapwa, ngunit posibleng bahagi ng ating mga sarili. Panghuli, maaari nating tanungin ang ating sarili ng positibong tanong na kung ano ang ating nais na likhain sa lugar nating gusting pilasin. Kapag ginawa natin ito, ating binabambang ang negatibong ugali sa isang malikhaing proseso, sa gayon ay ginagamit natin ang enerhiyang mabago an gating kapaligiran sa isang positibong paraan.
~OM~


